Lloydie, ‘bloggerjowa’ ni Ellen  

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NI: Nitz Miralles

BLOGGERJOWA ang cute na tawag ni Ellen Adarna sa boyfriend na si John Lloyd Cruz. Nabanggit ito nang i-post ang picture na kuha ni John Lloyd at nag-comment na kuha ‘yun ng kanyang photographer na si Lloydie nga.

Ellen copy

Nag-comment ang isang friend ni Ellen ng, “photographer only?” na sinagot ni Ellen ng, “And bloggerjowa hahahahaha!”

Tuwang-tuwa ang fans ng dalawa dahil kumpirmasyon daw ‘yun ng kanilang relasyon. Hindi nga naman umaamin ang dalawa, basta post lang sila nang post ng picture. 

Sa sinabing ito ni Ellen, confirmed nang magdyowa talaga sila.

Anyway, nabalitang magtatambal sa isang Star Cinema movie sina Ellen at Empoy Marquez, matutuloy pa kaya ito? Ang bagong balita, sina Empoy at Zanjoe Marudo ang magsasama sa isang bagong pelikula ng Star Cinema na may titulong Kusina Kings sa direction ni Victor Villanueva.