Inakalang pizza sa basurahan, fetus pala

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bella Gamotea

Isang fetus na nakasilid sa plastic bag ang nakuha sa loob ng garbage can sa Makati City, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), natagpuan ang abandonadong fetus sa isang basurahan sa EDSA, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City, bandang 4:00 ng hapon.

Naglalakad si Sunshine Nasarundo, 28, street vendor, at ang 4-anyos niyang anak nang damputin ng bata ang plastic bag sa loob ng garbage can at inakalang pizza ang laman nito.

Pagbukas ng mag-ina sa plastic bag ay tumambad ang fetus at agad ini-report sa awtoridad.

Agad namang rumesponde ang mga imbestigador ng Makati Cty Police at nakipag-ugnayan sa mga katabing establisyemento para sa ikahuhuli ng taong nag-abandona sa fetus.