Edu, magpoprodyus ng action film

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

NO wonder na hanggang sa ngayon, nami-maintain ni Edu Manzano ang maganda niyang katawan, dahil sumusunod siya sa mga dapat gawin pagdating sa pangangalaga ng kalusugan.  

Edu copy copy

Inabutan nga namin siya sa taping ng Celebrity Bluff na apple lang ang kinakain at puro fruits ang nasa dressing room niya.

“Kapag ganitong gabi na, talagang fruits na lang ang dinner ko,” natatawang wika ni Edu. “Kailangang maging maingat na tayo sa kinakain natin, alam naman ninyo, 33 years old pa lang ako. Pero may iba rin naman akong pagkain dito, dahil minsan ‘pag break namin sa taping, pumapasok din dito sina Brod Pete, bonding namin habang nagpapahinga.”

Two episodes pala ang ginagawa nila every taping day nila twice a month.

“Magaan naman ang work namin at ako, ini-enjoy ko ito, tagatawa lang ako at kung minsan napapasabay na rin ako sa kanila, masaya ang trabaho namin, masayang kasama sina Brod Pete, Boobay at ngayon kasama na namin si Tecla. Nagulat nga ako nang malaman kong hindi naman pala beki si Tecla, lalaki pala siya, pero napapaniwala niya akong bakla siya.

Iyon daw ang trabaho niya kaya carry naman niyang maging beki. May girlfriend nga raw siya ngayon.”

Wala siyang problema sa taping niya sa isa pa niyang show sa GMA-7, ang Alyas Robin Hood tuwing Tuesday, Thursday at Saturday kaya nakagagawa pa rin siya ng iba pa niyang business o di kaya’y bumibisita siya sa farm at fishpond niya sa Batangas kung weekend.  

Magkakaroon din ba siya ng action scenes sa Alyas Robin Hood bagamat gumaganap siya bilang corrupt na senador?

“Siguro magkakaroon ako ng action scenes. Nami-miss ko nga ang action films tulad noong bago akong nagsimula at kinuha ako ni Rudy Fernandez bilang kontrabida niya. Hindi ko ‘yon malilimutan dahil hindi ako magiging Edu Manzano kung hindi niya ako isinama sa mga movies niya noon. Kaya nga with some friends, nag-decide kaming gumawa ng isang action-family drama movie. Kami-kami na rin ang producers at gaganap sa mga roles. I-update ko kayo kapag maayos na dahil sa ngayon, binubuo pa lang ang story namin. It will be a small action-drama movie.”

Biniro namin si Edu kung hindi pa ba siya naiinip maging lolo.

“Yes, gusto ko nang may tumawag sa akin ng lolo, kaya lang busy lahat mga anak ko. Si Luis, at 33, ayaw pang mag-asawa puro trabaho ang inuuna. Ang babae kong anak, siAdi, nag-aaral ng Masters sa New York kasabay ng pagtatrabaho roon. Ang bunso kong si Enzo, 23, kaga-graduate lang sa La Salle ng college pero gustong mag-aral sa California next year, gusto niyang mag-foreign service. Ako naman, ibinigay ko sa mga anak ko ang education na dapat nilang matutunan at sila na ang bahala kung saan nila ito gustong ituloy. Nagpapasalamat lamang ako, mababait ang mga anak ko.”

Ang Celebrity Bluff ay napapanood tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ngMagpakailanman at ang Alyas Robin Hood 2 gabi-gabi pagkatapos ng Super Ma’am.