Rodjun at Diane, best friends na ikakasal

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

BAGO matapos ang 2017, marami ang marriage proposals at wedding ceremonies na magaganap.

Pagkatapos mapabalita ang pagpapakasal nina Pancho Magno at Max Collins sa December 11 at nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa December 12, at nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na walang pang sinabing petsa ng wedding this November, nitong nakaraang Sunday naman ay maraming natuwa sa biglaang marriage proposal ni Ben Wintle kay Iza Calzado. 

DIANNE AT RODJUN copy

At nitong Martes, nag-post naman si Rodjun Cruz sa Instagram ng kuha sa marriage proposal niya sa girlfriend na si Diane Medina.

Matagal na naming kinukulit si Rodjun kapag nakakausap namin sa GMA, kung kailan sila magpapakasal ni Diane. For almost 10 years, walang nabalitaang na-link sa iba si Rodjun at si Diane naman sa ibang guy. Hinangaan ang kanilang relasyon na sabi nga nila ay si Jesus Christ ang nasa center, kaya maayos ang kanilang samahan.

Ang pagpayag ni Diane na magpakasal na kay Rodjun ang naging birthday gift niya sa boyfriend who turned 30 years old noong October 10.

Post ni Rodjun sa kanyang Ig account: “Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!”

Ito naman ang post ni Diane para kay Rodjun: “Happy birthday to my best friend, the love of my life, my soul, my one and only ang my forever partner in life. I love you beyond words! Loving you is the only thing first makes life worth living. I wish you happiness, success and more love, joy, prosperity and more blessings… Continue to serve our Lord Jesus Christ Hindi alam ng lahat kung gaano ka kabait, religious, Christ centered and favorite nating mag-pray together sa adoration chapel – quiet time with Jesus – dito talaga ako na-in love at humanga sa ‘yo! Happy birthday my love and my answered prayer.”

Umani ng pagbati sina Rodjun at Diane mula sa mga kaibigan nila. Wala pa namang sinabing petsa ang dalawa. Si Rodjun ay nasa Kapuso Network at si Diane naman ay freelancer doing shows sa Kapamilya at sa Kapuso Network. 

Congratulations!