Premyadong aktor, ikakasal din sa Disyembre

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Noel D. Ferrer

PAGKATAPOS ng napakaeleganteng wedding proposal ni Ben Wintle sa fiance niyang si Iza Calzado nitong weekend, sumunod naman ang intimate na proposal ni Rodjun Cruz kay Dianne Medina noong birthday niya sa Boracay. Sa susunod na taon din itatakda ang kanilang wedding dates.

Mauuna munang magpakasal sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, Anne Curtis at Erwan Heusaff, Max Collins at Pancho Magno, at Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan bago matapos ang taon. 

Pero narinig namin na may hahabol pang ikakasal.

Actually, nagsasama na ang couple na ito at meron na silang mga anak, pero minarapat nilang magkaroon ng basbas sa simbahan ang kanilang pagsasama kaya naka-set na ang kanilang church wedding sa Disyembre. 

Nasabihan na nila ang gagawa ng gown at damit ng ikakasal at entourage; pati ang mga abay na taga-showbiz, naabisuhan na rin. 

Medyo inililihim pa ito dahil nais nilang maging pribado ang kasalan. 

Masaya kami at sana ay maging hudyat pa itong basbas ng Diyos sa lalo pang ikauunlad ng career at buhay ng aktor (na minsan na ring nabigyan ng pagkilala at parangal). 

Truly, the last quarter and particularly December seems to be the marry-est time and month of all!