Jeep bumangga sa puno, 7 sugatan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

NI: Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac – Pito ang sugatan matapos sumalpok ng isang pampasaherong jeep sa puno ng acacia sa Barangay Vargas, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Hansel Purganan, bumangga sa puno ng acacia ang Suzuki jeepney (SKY-936) na ikinasugat ng driver na si Hilario Simbre, 51, may asawa, chairman ng Bgy. Lasong, Camiling.

Nasugatan din ang mga pasaherong sina Reggie, 36; Elizabeth, 39; Mary Rose, 17; Rene, 42; Dolores, 71; at Mary Joy Mangrobang, 16, lahat ay residente ng nasabing barangay.

Dakong 1:50 ng hapon habang patungo ang jeep sa bayan ng Santa Ignacia nang biglang nagkaproblema ang behikulo bago sumalpok sa puno ng acacia.