10 tiklo sa sabong ng gagamba

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Light A. Nolasco

SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Arestado ang sampung lalaki sa Barangay Castellano sa San Leonardo, Nueva Ecija, dahil sa pagpupustahan sa sabong ng gagamba nitong Linggo ng hapon.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Rannie Casilla, walo sa mga naaresto ang kinilalang sina Warly Novida Caralde, 33, ng Bgy. San Vicente, Gapan City; Eriberto Gatdula Pangilinan, 52, ng Bgy. San Roque; Ernesto Francisco Castro, 62, ng Bgy. Pamacpacan; Arjay Mercado Lores, 28; isang 17-anyos na lalaki; isang 16-anyos na lalaki, pawang taga-Bgy. Nabao; sina Ceejay Modestomas Eduardo, 20, ng Bgy. Dampulan, Jaen; at Leanne Paul Etas Matias, 22, taga-Bgy. Castellano, San Leonardo.

Nakakumpiska ang mga pulis ng improvised “spider fighting arena”, mga gagamba, at aabot sa P3,700 bet money.