Absuwelto kay Sen. JV pinagtibay

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Czarina Nicole Ong

Pinagtibay ng Sandiganbayan Sixth Division ang pag-absuwelto kay Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa kasong technical malversation kaugnay sa pagbili ng mga armas na nagkakahalaga ang P2.1 milyon para sa pulisya ng San Juan City noong 2008 nang siya ay mayor pa.

Sa anim na pahinang resolusyon na nilagdaan nina Associate Justice Karl Miranda, Sarah Jane Fernandez and Michael Frederick Musngi, tinanggihan ng korte ang motion for reconsideration ng prosekusyon na nagsasaad na ang pag-apruba dito ay maglalagay kay Ejercito sa double jeopardy. Ang double jeopardy ay nangangahulugan ng dalawang beses na pagpaparusa sa isang indibidwal sa parehong pagkakasala, alinsunod sa Bill of Rights.

“The constitutional prohibition on double jeopardy prevents the State from using its criminal processes by a multitude of cases with accumulated trials,” saad sa resolusyon. “It also precludes the State from successively retrying the accused in the hope of securing a conviction or a greater penalty.”