‘Human review’ sa maseselang FB ads

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

CALIFORNIA (AP) – Sisimulan na ng Facebook ang manu-manong pagrerepaso sa advertisements na tumatarget sa mga tiyak na grupo, at tutugunan ang politics, religion, ethnicity at social issues.

Inimpormahan ng kumpanya ang ilang advertisers tungkol sa bagong “human review” requirement, at nagbabala na maaaring magdulot ito ng pagkaantala bago mailabas ang ads sa social media platform.

Humingi ng paumanhin ang Facebook sa gitna ng mga rebelasyon kamakailan ng talamak na pang-aabuso sa automated advertising process nito para maglabas ng mga pekeng balita o isulong ang pagkakahati at mga mensaheng puno ng galit, gaya ng mga patalastas na nagpapahayag ng anti-Semitic views.