Saudi palace inatake, 2 royal guards patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CAIRO (AP) – Isang lalaki ang nagpaulan ng bala sa labas ng isang Saudi royal palace nitong Sabado, na ikinamatay ng dalawang miyembro ng Saudi Royal Guard, iniulat ng Saudi Press Agency.

Ayon sa ulat, sinabi ng tagapagsalita ng Interior Ministry na lumabas ang suspek sa isang sasakyan at pinagbabaril western gate ng Al-Salam Palace sa Jiddah nitong Sabado ng umaga, na ikinamatay ng dalawang miyembro ng Guard at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Nabaril at napatay sa lugar ang gunman na kinilalang si Mansour bin Hassan bin Ali bin Al Fahid al-Amri, 28-anyos na Saudi national. Armado siya ng dalawang Kalashnikov rifles at tatlong Molotov cocktails.