James Reid, nominado sa MTV EMA London 2017

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni LITO T. MAÑAGO

BALAK ng JaDines, grupo ng fans club o followers ng love team nina James Reid at Nadine Lustre, na mag-power vote para sa una na nimonado sa MTV EMA (Europe Music Awards) London 2017 sa kategoryang Best Southeast Asia Act.

JAMES copy copy

Unlimited ang pagboto via Internet voting, kaya sisikapin ng JaDines na maiuwi ni James ang karangalan.

Nag-iisang Pinoy performer si James na pumasok sa MTV EMA London ngayong taon.

Ang makakalaban ng Viva Artist Agency talent ay mula sa mga bansang Malaysia (Fiazal Tahir), Vietnam (Dam Vinh Hung), Indonesia (Isyana Sarasvati), Thailand (Palit Choke Ayanaputri at Slot Machine) at Singapore (The Sam Willows).

Sa Twitter post ni James, ang sabi lang niya sa kanyang followers, “Representing the Philippines. You know what to do guys!”

Ang awarding rites ng MTV EMA London 2017 na iho-host ng British actress at singer na si Rita Ora ay gaganapin sa SSE Arena sa Wembley, London, United Kingdom sa November 12.

Para sa JaDines at iba pang fans club na gustong iboto si James, kindly visit this site: http://www.mtvema.com/en-asia/artists/ba3xze/james-reid.

Meron pang natitirang 38 days ang fans nina James at Nadine para bumoto at mailuklok ang kanilang idolo bilang Best Southeast Asia Act.