Kim Domingo, wholesome na sa ‘Super Ma’am’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NI: Nitz Miralles

HINDI pa ipinapakita si Kim Domingo sa Super Ma’am. Gumanap siya bilang kapatid ni Marian Rivera na si Mabelle Henerala sa fantasy/action series, pero makikilalang si Avenir Segovia nang mapahiwalay sa pamilya at ampunin ni Jackielou Blanco (Greta Segovia).

Kim Domingo (8) (1) copy copy

Tuwang-tuwang-tuwa si Kim na napasama siya sa cast ng Super Ma’am at malaki ang pasasalamat kay Marian na personal siyang pinili para gumanap na kapatid nito. Sa show matutupad ang pangarap ni Kim na mapanood at makilala siya ng mga bata dahil mga bata ang target audience ng show.

Ibang-iba si Kim sa Super Ma’am kesa napapanood sa Bubble Gang. Less ang pagpapaseksi niya sa series ni Marian, ibig sabihin, less skin exposure rin. Kaya sorry na lang sa male fans ni Kim dahil ang biro niya, nagbabagong-buhay na siya.

Sa isa niyang post sa social media, sabi niya, “Unti-unti ko nang tinatanggal ang pagpapa-sexy. Magpapa sexy ako pero hindi na kagaya ng dati kong ginagawa. Gusto kong makatawid sa pagiging ganap na aktres. At ang goal ko naman talaga ay makakuha ng acting award at kung paano ako tatagal sa industriya. #walangmasamamangarap #someday #GODisgood.”