Elmo, ala marriage proposal ang ginawa kay Janella

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

IBA rin si Elmo Magalona dahil pati ang pagyayaya kay Janella Salvador na maging partner sa Star Magic Ball, idinaan sa proposal. Parang marriage proposal, ha? 

Elmo, Janella copy copy

Itinaon ni Elmo na shooting ng My Fairy Tail Love Story ang kanyang proposal at kinutsaba ang crew ng Regal Entertainment movie. Kaya inakala ni Janella noong una na bahagi pa rin ng eksena ang ginawa ng ka-love team.

Sa napanood naming video, napaiyak pa yata si Janella sa tuwa at kilig na rin siguro sa napaka-formal na pag-iimbita sa kanya ni Elmo. Bukod sa live proposal, may letter pa si Elmo.

“Hello Kitty! You brighten up my days like sunshine and cotton candy. To waste this opportunity would be a pity… Princess, will you go to the ball with me?” 

Ang nakapirmang pangalan ni Elmo ay “Meow”.

Kaya lang, medyo madi-disappoint ang fans nina Janella at Elmo dahil ang next movie ni Janella sa Regal Entertainment after My Fairy Tail Love Story, hindi si Elmo ang kapareha. Naghahanap sila ng aktor na babagay kay Janella at sa karakter na gagampanan ng makakapareha nito sa pelikulang So Connected to be directed by Jason Paul Laxamana.

Ang So Connected ang first movie ni Janella sa bagong kontrata sa Regal Entertainment. Sabi ni Mother Lily, “forever” ang kontrata nila ng aktres.

  • Lyn Dulguime Doligol

    My ElNella ♥