Tampuhan ni Janella at ng ina, ‘di si Elmo ang dahilan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

APAT na shooting days na lang pala ang natitira para matapos ang My Fairy Tail A Love Story nina Janella Salvador at Elmo Magalona na idinidirihe ni Perci Intalan for Regal Films. Kaya ayon sa producer nitong si Ms. Roselle Monteverde-Teo, optimistic sila na makakapasok ang pelikula bilang isa sa official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

JENINE AT JANELLA copy

Last movie na ito sa 3-year/picture contract ni Janella kaya hindi napigilan ng mga bagyong Lani at Maring nitong Martes ang renewal of contract niya sa Regal Entertainment. Napakasaya ng dalaga dahil muli siyang pinagkatiwalaan nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle ng another 3-year/picture contract.

“Happy to renew my contract with Regal and excited to make more films with them,” sabi ni Janella.

Masaya rin siyempre ang manager ni Janella na si Direk Manny Valera sa magandang ng takbo ng career ng dalaga. So far, kumita pareho ang nauna nang dalawang pelikula ni Janella sa Regal para sa una niyang 3-year/picture contract, ang Haunted Mansion at Mano Po 7 at malalaman naman sa Nobyembre kung pasok sa MMFF ang My Fairy Tail Love Story.

Ang unang pelikula sa bagong 3-year/picture contract ni Janella sa Regal ay ang So Connected na ididirek ni Jason Paul Laxamana at may pa-audition para sa makakasama ng aktres.

Kaya pala nabanggit sa amin ni Direk Manny na magkakaroon ng bagong leading man ang aktres sa next movie project niya.

Maganda rin ang mga ngiti ni Mother Lily, “Because I feel so rich because of Janella, she is a jewel to Regal Films.”

Anyway, nagkuwento si Janella na marami siyang natutuhan sa My Fairy Tail Love Story dahil kinailangan niyang mag-aral ng diving at mermaid lessons.

“Nag-enjoy po talaga ako while doing the movie and hopefully talaga makapasok siya sa Metro Manila Film Festival,” nakangiting kuwento ng dalaga.

Hindi ba siya nanibago o nailang sa mermaid costume?

“From the start naman we make sure na hindi masyadong too revealing, ayoko pa, I’m shy,” natawang sagot ng dalaga.

“And the costume is really nice, I like the tail, ang sarap niyang iano (ikawag) sa water.”

Inaabot ng mahigit isang oras ang pagkakabit ng prosthetics at sandali lang ikabit ang buntot niya. Sa Batangas area kinunan ang buong pelikula.

Ano pinakamahirap na naranasan ni Janella habang sinu-shoot ang My Fairy Tail Love Story?

“Nu’ng pag-uwi ko na kasi na-sunburn talaga ako ng sobra as in hindi ko magalaw ‘yung face ko, hindi ako makatawa, talagang nasunog ako. Hindi ‘yung paglangoy o pagsisid kasi na-enjoy ko talaga, I love it!”

Naitanong din ang estado ng relasyon nila ni Elmo.

“Same pa rin, we are still enjoying our relationship so far in work and even off-cam. Mas naging pamilyar kami sa isa’t isa every project. It’s a different experience talaga per project kasi nagtutulungan kami, we always make it a point na natutulungan namin ang isa’t isa pagdating sa work. Kailangan you’re good for each other and partnership.”

May lambingan ba sina Janella at Elmo sa ilalim ng dagat?

“Abangan natin,” natawang tugon ng dalaga at agad sinabing, “wala pong kissing scene, I’m not ready yet for that, hindi pa rin time, baka in the future.”

Ano naman ang komento ni Janella sa katawan ni Elmo habang sumisisid sa ilalim ng dagat!

“Ha-ha-ha, wala akong masabi, ha-ha-ha. Hindi ko kasi siya tinitingnan kapag nakahubad (topless), nahihiya ako, hindi ko matingnan. ‘Pag may damit na siya saka ko lang siya tinitingnan.”

Natatawa raw si Elmo kapag ayaw niya itong tingnan.

Hindi maiwasang ikumpara ang My Fairy Tail sa Dyesebel na ilang beses ni-remake sa pelikula at sa fantaserye kaya tinanong si Janella kung napanood niya ito.

“Hindi ko napanood ‘yung movie but I saw the remake sa teleserye, it’s different naman. I was cursed in the movie (iba nga sa Dyesebel dahil magulang naman nito ang isinumpa) but I don’t wanna talk so much na,” nakangiting sagot ng aktres.

Pagkatapos ng Q and A namin inusisa kay Janella kung kailan sila aamin ni Elmo tungkol sa tunay nilang relasyon.
“Aamin ba? Wala naman kaming aaminin?” nakatawang sagot sa amin.

Sinabi namin na nakikita sila sa production off-cam na super sweet at sinasamahan ng aktres si Elmo sa TV guestings nito.

“Ah, alam ko na ‘yung sinasabi mo, ‘yung sa Magandang Buhay, magkasama kami kasi morning, Magandang Buhay episode ko ‘tapos sa afternoon siya kaya pinanood ko ‘yung guesting niya,” paliwanag ng dalaga.

Itinanong din namin ang tungkol sa couple shoes nila na sinulat na namin.

“Couple shoes? Which one?” natatawang tanong ng dalaga kaya hiniritan namin ng, ‘so marami pala?’ kaya tawa siya nang tawa. “’Yung iba kasi bigay ng fans, the one I posted, ah, kasi pareho kaming sponsors ng Vans, so when we pulled out together, kumuha kami ng parehong shoes.”

Hayan, naklaro na rin namin ang matagal na naming gustong malaman. Pero ano ba talaga ang relasyon nila, nagliligawan o sila na?

“Hindi pa, hindi niya ako nililigawan, natatakot ako sa mga tanong,” tumatawang sabi ng aktres.

Hirit ulit namin, ‘bawal ba kayong umamin?’

“Wala po kasi kaming aaminin,” biglang humina o lumambing ang boses sabay tawa ni Janella.

Tanong sa kanya ni Katotong Mylene de Leon, ‘so ano’ng status kung hindi kayo boyfriend-girlfriend?’

“We are (nag-isip) happily working together,” natatawa pa ring sagot ng aktres.

No personal relationship outside of work!

“Of course meron naman, but in all honestly, we’re not rushing to get into a relationship yet. We’re just really important to each other naman, ‘yun ‘yung masasabi ko lang. We’re not rushing talaga kasi priority namin talaga is work,” katwiran ng dalaga.

Sundot namin ulit, ‘but excusively dating?’

“We’re not putting a label,” mabilis na sagot ng dalaga.

Hindi itinanggi ni Janella na naguguwapuhan siya kay Elmo at naniniwala siyang hot ang aktor.

Naitanong din kung may date na siya sa darating na Star Magic Ball.

“Wala pa akong date, hindi pa ako niyaya (ni Elmo). For me kasi mas maganda kung mag-ask pa rin. (But) It doesn’t’ matter to me kung may date ako o wala,” nakangiting sagot niya. “If Elmo will ask me, I would say yes naman, ha-ha-ha!”
Anyway, kahit pinagbawalan kaming magtanong tungkol sa relasyon nina Janella at nanay niyang si Jenine Desiderio, kinailangan pa rin naming hingan ng komento ang dalaga tungkol dito.

Magalang naming itinanong kung umuuwi pa siya sa bahay nila.

“I’d rather not answer the question kasi baka mag-lead pa sa ibang (katanungan),” saad niya.

Pero hindi nakaiwas si Janella na hindi sumagot sa kakulitan namin at ng iba pang mga katoto na dumalo sa presscon.

Itinanggi ng dalaga na si Elmo ang dahilan kaya nagkatampuhan silang mag-ina.

“Basta we’re just going through normal things that mother and daughter do. Huwag na nating pag-usapan ‘yung mom ko,” pakiusap ng dalaga sa nagtanong.

Inamin ni Janella na protective talaga ang mommy niya, na normal lang sa isang magulang.

“I believe things will be okay naman kasi in the end, she’s still my mom,” saad ng dalaga.

Hirit ulit namin, nagkikita ba sila ng mommy niya araw-araw?

“Ah…,” na tawa lang ang sumunod. “In God’s time alam ko maaayos naman,” pakli ng dalaga.

Naitanong din ang tungkol sa isang soap drama.

“Hindi sa tinanggal kami, I think hindi lang meant to be ‘yung show, it’s just that nag-agree kami ng Dreamscape kasi iniba rin talaga ‘yung story at hindi tugma ‘yung characters naming dalawa. So, we have not to do the show anymore.

Hindi pa naman kami nakapag-taping,” paliwanag ng dalaga.