Gabby, umaasang matutuloy pa rin ang reunion movie nila ni Sharon

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Jimi Escala

HINDI raw kasalanan ni Gabby Concepcion kung last minute ay umayaw man siya sa dapat ay production number niya with Christopher de Leon para sa parangal ng dalawang reyna ng pelikulang Pilipino na sina Vilma Santos at Nora Aunor.

GABBY copy copy

Katunayan, nakapag-recording na si Gabby. Pero dahil nga sa exclusive contract niya sa GMA-7 pero sa ABS-CBN ipapalabas ang PMPC Star Awards, magiliw siyang tumanggi.

Nagpaliwanag din si Gabby tungkol naman sa sinasabing pag-ayaw din niya sa reunion movie nila ni Sharon Cuneta sa Star Cinema.

“Well, una raw, eh, hindi maayos ang naging usapan. Nang inilapit sa akin ang project, eh, tumanggi ako dahil hindi ko ugali na gagawa ng isang project na kung saan synopsis lang ang ipinabasa at hindi ‘yung full story,” banggit ng actor.

Isa rin sa naging hadlang ang kapipirma lang niyang panibagong kontrata sa GMA na alam naman ng lahat na mahigpit na kakumpetensiya ng ABS-CBN.

“Sa totoo lang kasi, eh, bagong pasok lang ako, so I just felt na ayaw kong mawala ‘yung momentum . Kumbaga, kauumpisa ko lang tapos bigla akong gagawa sa iba,” sey ni Gabby.

Pero looking forward pa rin ang actor na makagawa uli sila ni Sharon ng pelikulang na magkasama. Umaasa si Gabby na mangyayari pa rin ito pagdating ng tamana panahon.