Ai Ai at Vic Sotto, tatapatan ang ‘Gandang Gabi Vice’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

BUSY si Ai Ai delas Alas bago sumapit ang December 12 wedding nila ni Gerald Sibayan.

Sa September 24, pilot ng Bossing and Ai, ang bagong show nila ni Vic Sotto sa GMA-7. Sa October 18, showing naman ng pelikula niyang Besh and the Beshies ng Cineko Productions sa direction ni Joel Lamangan.

AI AI AT VIC copy

Ang Bossing and Ai ang makakatapat ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, comedy gag show na ididirihe ni Bibeth Orteza.

Stand-up comedians ang makakasama nina Vic at Ai Ai. Ipapakilala nila ang mga ito sa presscon.

Kung bakit late night ang time slot ng show nina Vic at Ai-Ai? Dahil mature audience daw ang target nila.

Samantala, ibinalita ni Ai Ai na tapos na ang food tasting nila at ang Juan Carlo Catering ang magki-cater sa wedding reception nila ni Gerald. Si Frederick Peralta ang magde-design ng wedding gown ni Ai Ai na wedding gift sa kanya ni Marian.

Nabanggit ni Direk Louie Ignacio na siya ang nag-design ng wedding invitation at ang mahabang train ng wedding gown at hand-painted niya.

Nabanggit din ni Direk Louie na magsososyo sila ni Ai Ai sa pagpoprodyus ng pelikula. Namimili na raw sila ng material na gagawin na pagbibidahan ni Ai Ai.