Nakasuntukan ang kaanak ng amo tigok

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ikinulong makaraang kasuhan ng homicide ang isang negosyante matapos umano nitong mapatay ang kanyang empleyado sa Quezon City, iniulat kahapon.

Naghihimas ngayon ng rehas ang suspek na kinilala ni Police Supt. Pedro Sanchez, hepe Kamuning Police station 10, na si Arvin Roldan, 33, trucking businessman, ng No. 151 Sct. Gandia, Barangay Sacred Heart, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kaanak at umano’y kasabwat ng suspek na si Rodolfo Roldan na tumakas matapos ang krimen.

Base sa report ni Police Supt. Sanchez, responsable si Arvin sa pananaksak at pagpatay kay Venuz Pelaez Capin, stay-in.

Sa imbestigasyon ni PO1 Regino Sta. Ana III, naganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng pamilya Roldan, dakong 6:30 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Rito Estorco, 41, security guard ng pamilya Roldan, nakita niyang nagtalo hanggang sa magsuntukan sina Capin at Rodolfo.

“Naawat ko ang dalawa at inalalayan ko sila sa compound.” ayon sa guwardiya.

Sa puntong ito, dumating umano si Arvin, lulan sa motorsiklo, at pinuntahan sina Capin at Rodolfo.

Sinasabing si Arvin ang sumaksak at nakapatay sa biktima. – Jun Fabon