Lloydie at Ellen, nakaranas maging ordinaryong tao sa Bantayan Island

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

KINONTAK namin ang kababayan namin sa Bantayan Island, Cebu na isang fashion designer para makibalita sa usap-usapan ngayong pagbabakasyon doon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

JOHN LLOYD AT ELLEN copy

Naging saksi raw ang kapatid niya sa sweetness nina John Lloyd at Ellen. Kuwento raw ng kapatid niya, parang nagha-honeymoon ang dalawa.

Bagamat kasama ang mga barkada ni Ellen na pawang mga taga-Cebu, kitang-kita na may something na talaga sin
a Lloydie at Ellen. Pero hindi raw nakita ng kapatid niya si John Lloyd na sabog o nakadroga.

Pinatotohanan ng kapatid ng kaibigan namin ang sinasabi rin ng mga kaibigan nina John Lloyd at Ellen na nagkasayahan lang ang dalawa at purely clean fun lang ang napanood sa kumalat na video.

Dagdag pa ng source, nakapaglakad at nakapamasyal sina John Lloyd at Ellen sa isla na parang hindi celebrity.

Although marami ang nakakilala kay John Lloyd sa isla, kakaiba raw ito kumpara sa ibang lugar na napuntahan ng actor.

“Naranasan ni John Lloyd ang pumunta sa palengke na hindi gaanong pinagkaguluhan,” sey pa ng source.

Samantala, bentang benta sa social media ang videos at photos nina John Lloyd at Ellen na kuha sa beach house na inukopa nila sa Bantayan Island. Nagdi-dirty finger, umakyat sa puno ng niyog, may hawak na kutsilyo, at kung anu-ano pa na para bang nakawala ang actor, huh!

“Well, tao lang naman si John Lloyd at normal lang ang ginawa niyang ‘yun. Pero ang sa akin lang, sana hindi ‘yun makakaapekto sa kanya bilang actor at sa mga endorsement niya,” sey ng source.