Kean Cipriano, direktor na rin

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni: Reggee Bonoan

KASAMA si Kean Cipriano sa reality show na I Can See Your Voice na number one show sa Korea at may franchise na rin sa Taiwan, Vietnam at Indonesia.

KEAN copy copy

Makakasama ni Kean sina Angeline Quinto, Andrew E, Alex Gonzaga, Waki Kiray at iba pa bilang celebrities na huhula kung sino ang “seen-tunado” sa kasaling contestants.

Maganda ang career ngayon ni Kean dahil bukod sa I Can See Your Voice ay may apat na pelikula siyang ginagawa. May entry siya sa Metro Manila Film Festival 2017, Cinema One Originals, Star Cinema, at may pelikula ring pagsasamahan nila ni Julia Montes mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Pangarap ni Kean na makatrabaho si Direk Brillante at matutupad na ito kaya pinaghahandaan niya nang husto.

Bukod sa pagiging singer-actor ay nagdidirihe rin si Kean ng music video. Siya ang nagdirek kay Tony Labrusca sa Tanging Ikaw kasama si Isabel Ortega na trending ngayon sa YouTube.

Siya rin ang direktor ng Tunay Na Pag-Ibig music video ni Sam Milby mula sa album nitong Sam: 12 kasama ang 2016 Binibining Pilipinas International na si Kylie Versosa.

Siyempre, hindi rin tinatalikuran ni Kean ang grupo niyang Callalily dahil dito siya nakilala nang husto.

At higit sa lahat, ideal husband siya ni Chynna Ortaleza at doting father ng anak nilang si Stellar na mahigit isang taon na ngayon.