Janella, nag-renew ng contract sa Regal Films

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

HINDI nabigo ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo kay Janella Salvador dahil halos lahat ng pelikula nito sa Regal Films ay kumita tulad ng Haunted Mansion, Mano Po (kasama sina Richard Yap at Jean Garcia) at hoping na mapasama ang My Fairy Tail Love Story sa 2017 Metro Manila Film Festival.

JANELLA copy

Kahapon, muling pumirma ng three-year contract si Janella sa Regal Films with four movies at ang ikaapat na project niya ay may titulong So Connected na ididirihe ni Jason Paul Laxamana.

Mabenta ngayon si Direk Paul dahil halos lahat ng pelikulang ginawa niya ay kumita, tulad ng Love Is Blind na una niya sa Regal, pinagbidahan nina Kiray at Derek Ramsay with Solenn Heussaf.

Dahil dito kaya kinuha rin siya ng Star Cinema para idirihe ang The Third Party nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Mlby. Ginawa rin niya ang Mercury is Mine at 2 Cool 2 Be Forgotten sa Cinema One Originals at ang blockbuster hit na 100 Tula Para Kay Stella sa Viva Films.

Going back to Janella, advance ang deadline naming ito kaya hindi pa namin nakukuha ang sagot niya kung totoo ang balitang boyfriend na niya si Elmo Magalona. Ito ang tsika ng mga taong nakakakita sa sweetness nila off-camera, bukod pa sa lagi niyang sinasamahan ang aktor sa TV guestings nito at pati sa sapatos ay pareho sila (tinatawag na couple shoes).

Itatanong din namin kung okay na sila ng kanyang Mommy Jenine Desiderio na panay ang emote kamakailan sa social media na hindi niya sinusunod at hindi raw siya nagpapaalam sa mga lakad niya.

Ganu’n talaga ang in love, di ba, Bossing DMB?

(Baligtad yata ako. Kasi nung ma-in love ako noong bagets pa ako, lalo akong naging obedient sa parents ko para wala silang masabi. –DMB)

Ang mahalaga, hindi napapabayaan ni Janella ang trabaho niya at higit sa lahat, kumikita ang mga project niya plus mataas din sa ratings ang TV shows niya.

Anyway, pinag-uusapan ang magandang teaser ng My Fairy Tail Love Story na napapanood na sa YouTube, mula sa direksiyon ni Perci Intalan.

Batay sa mga feedback na nabasa namin, nagagandahan ang netizens sa cinematography at bilib din sila na magaling lumangoy si Janella at bagay maging sirena.

Pinanood tuloy namin, at naalala namin ang Dyesebel bagamat millennial ang target audience ng pelikula.