Illegal vendors sa Quinta Market winalis

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Katulad ng kanyang ipinangako sa mga lehitimong stallholders sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila, pinaalis na ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang daan-daang illegal vendor sa labas ng bagong gawang palengke.

Ayon kay Estrada, naiintindihan niya ang hinaing ng mga lehitimong nagtitinda sa loob ng palengke na nagrereklamo ng mahinang benta dahil sa mga illegal vendors.

“As I have promised, I have removed those illegal vendors, and I intend to keep it that way,” pahayag ni Estrada kasabay ng direktiba sa Task Force Manila Cleanup, na pinamumunuan ni Che Borromeo, na bantayang mabuti ang lugar upang hindi na makabalik ang mga illegal vendor. – Mary Ann Santiago