Kapitan tinodas sa piyestahan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Mike U. Crismundo

SURIGAO CITY – Binaril ng riding-in-tandem ang isang kapitan ng barangay sa harap ng mga mamimiyesta sa Purok 1, Barangay Mapawa sa Surigao City, nitong Linggo.

Kinilala ang napatay na si Felipe P. Achas, 49, chairman ng Mapawa.

Pinagbabaril sa katawan ang kapitan na agad na ikinamatay nito.

Ayon sa saksi, nakatayo ang kapitan sa harap ng bahay ng sekretarya ng barangay habang nakikipag-usap sa ibang kasamahan, nang pagbabarilin nang malapitan ng dalawang hindi kilalang armado.

Dakong 9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente habang ipinagdiriwang ng barangay ang pista ni San Nicolas de Tolentino ng Surigao City.