Chinese video site, patok sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga buryong na sa buhay

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

Ni: Agencé France Presse

BURYONG na sa pamumuhay bilang miyembro ng modernong workforce ng China, tumatakas sa naiibang mundo si “Yaorenmao” online kung saan siya nag-a-upload ng kanyang mga sayaw at nagsusuot ng cosplay outfits para sa kanyang 1.3 milyong tagahanga.

Ang isa pa niyang mundo ay ang bilibili.com, isang Shanghai-based video-sharing platform na mayroong mahigit 150 milyong Chinese users na, at may eclectic mix of user-generated videos at animation na hinango sa Japanese world ng ACG (animation, comics and games).

Dahil sa kakulangan sa mga youth-oriented content sa China kung saan hinaharangan ang Facebook at YouTube, at ang mga media at entertainment outlet ay sinusupil, ang Chinese ACG ay bumubuo sa isang multi-bilyong dolyar na industriya, at ayon sa mga analyst, umaakit din ito ng pamumuhunan mula sa malalaking kumpanya tulad ng Tencent at Alibaba.

At kasabay ng paglaganap ng mga baguhang video upload ng mga smartphone-addicted sa China, mabilis lumaganap ang mga ganitong website, gaya ng bilibili.com at madali ang kapitalismo dahil camera lamang ang gamit at maaari nang sumikat ang isang tao gaya ng celebrity.

Si Yaorenmao, na ang ibig sabihin ay “cat that bites people”, ay nagsimulang mag-upload ng ilang DIY video mula sa kanyang bahay sa timog-kanlurang lungsod ng Chengdu noong 2011. Nagsasayaw siya sa saliw ng saccharine-sweet tunes sa mga video, at isinasabuhay ang kanyang hindi natupad na pangarap noong bata pa, ang maging isang mananayaw.

“I worked like a normal person after graduation (from university), but normal life and work are just too boring,” aniya, piniling huwag sabihin ang kanyang tunay na pangalan at trabaho upang mapanatili na magkahiwalay ang kanyang dalawang mundo.

Sa dami ng kanyang fans, madalas na nagpapadala ang mga ito ng regalo o kaya naman ay pera, na kanyang ginagamit para makabili at makagawa ng kanyang costume, kabilang ang 10,000 yuan ($1,500) na biyahe sa Japan upang doon i-shoot ang mga video at itampok ang cherry blossom season sa lugar.

Tinitingnan ng kanyang fans ang kanyang obra bilang “with a generous heart and encourage me because they want to see me getting better and better. It’s as if they are getting better and better themselves,” kuwento niya sa AFP.

“People are also under lots of pressure in China so they like these things.

“They care more about their existence in the virtual world and they are willing to spend on what they like.”