Anti-drug cop utas sa ambush

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Fer Taboy

Malaki ang paniniwala ng pulisya na may kaugnayan sa trabaho bilang drug buster ang pagpatay sa isang pulis na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Barangay Calumpang, General Santos City, South Cotabato, nitong Linggo.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na limang tama ng bala ng .45 caliber pistol ang tumagos sa katawan ni PO3 Clark Machuco, miyembro ng intelligence operatives ng Tambler Municipal Police.

Ayon kay Insp. Dominador Soliva, deputy commander ng Tambler Municipal Police, bago napatay ay may nahuli umanong tulak si Machuco.

Sinabi ni Soliva na galing si Machuco sa kanilang opisina at sakay sa motorsiklo nang sinundan ng mga suspek sa Bgy. Calumpang sa GenSan at doon tinambangan.