Security kay Taguba ibalik

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Pag-uusapan ngayong araw kung kailangang ibalik ang protective custody ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) kay Mark Taguba, matapos itong tanggalin ni Senate Blue Ribbon committee chairman Richard Gordon.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, tinanggal ni Gordon ang security escorts na hindi alam ng komite.

Ngunit nilinaw ni Gordon na si OSAA Chief ret. Gen. Jose Balajadia, ang lumapit sa kanya at nagtanong kung kailangan pa ang security escorts kay Taguba.

“Hindi ko pinatanggalan, lumapit sa akin si Gen. Jose Balajadia Jr. ‘Sir, kailangan pa ba nito? Apat-apat ang tao ko riyan, napapagod din,’” anang Gordon, sa panayam ng DZBB.

Dugtong niya, kung nais ni Lacson, na ibalik ang security, ibabalik niya ito. – Leonel M. Abasola