Rally vs Brexit

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

LONDON (AFP) – Libu-libo ang nagmartsa patungong Parliament sa central London para iprotesta ang plano ng Britain na kumalas sa European Union.

Sinabi ng organizers ng “People’s March for Europe” na layunin nilang magkaisa, muling pag-isipan at ibasura ang plano ng gobyerno na ipatupad ang Brexit sa 2019. Bitbit ng ilang nagpoprotesta ang mga EU flag at karatula na may nakasulat na “Exit from Brexit”.