Naglalahong load, iimbestigahan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Sisikapin ni Senador Grace Poe na makita ang mga naglahong prepaid cellphone load ng mga telecommunication companies (telco) sa imbestigasyon ng kanyang Committee on Public Service sa Miyerkules.

Nauna rito, isinampa ni Poe ang Senate Bill No. 848 (Prepaid Load Protection) na nagbabawal sa telcos na lagyan ng expiration period ang prepaid load.

“Matagal nang reklamo ng ating mga kababayan ang naglalahong load kahit hindi naman nila ginagamit,” anang Poe. – Leonel M. Abasola