12 nag-picnic sa beach, nalunod

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

KARACHI (AP) – Labindalawang katao ang nalunod sa isang beach malapit sa port city ng Karachi, Pakistan matapos silang tangayin ng malakas na alon sa Arabian Sea.

Sinabi ni police officer Ijaz Khokhar na dalawang tao lamang ang unang nalunod nitong Sabado, matapos mag-picnic sa tabing dagat, at ang iba ay namatay sa pagtatangkang sagipin sila.

Ayon sa ulat, pito sa mga namatay ay nanggaling sa iisang pamilya.