Pulis utas sa ambush

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Fer Taboy

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pananambang at pagpatay sa isang pulis sa Barangay Rizal West sa San Isidro, Isabela.

Ayon kay Senior Insp. Rommel Cancejo, hepe ng San Isidro Police, kinilala ang biktimang si PO1 Dominador Arciaga, may asawa, ng Bgy.Bonifacio, Alicia, Isabela.

Nabatid na pauwi ang biktima nang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay Sa isang SUV na walang plaka ang nagpaulan ng bala sa kanya.

Matapos ang pamamaril sa pulis ay kaagad na tumakas ang mga suspek.

Dinala sa pagamutan sa bayan ng Echague si Arciaga pero dead on arrival na ito.

Inaalam ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek, at blangko pa ang mga imbestigador sa kaso.