Budget ng PCOO: P1.351B

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bert de Guzman

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Assistant Secretary Mocha Uson matapos umano siyang magtanghal sa isang casino establishment, bibigyan pa rin ng Kamara ng malaking budget ang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Tinapos na ang deliberasyon sa plenaryo ng hinihinging budget para sa 2018 ng PCOO, na nagkakahalaga ng P1.351 bilyon.

Ilang mambabatas ang nagmungkahi pang bigyan ng mas malaking budget ang ahensiya para sa epektibong pagpapakalat ng impormasyon sa publiko hingggil sa mga programa ng Duterte administration.