South Koreans, relaks lang sa NoKor

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

SEOUL (Reuters) – Habang pinaiinit ng North Korea ang pandaigdigang tensiyon at pangamba ng mundo sa ikaanim at pinakamalakas na nuclear test nito noong Linggo, ngunit lalo namang nagdududa ang mga South Korean na magpapasimula ito ng digmaan, lumutang sa isang survey kahapon.

Lumabas sa survey ng Gallup Korea na pakiramdam ng 58 porsiyento ng South Koreans ay malabong magdudulot ng digmaan ang North Korea, habang 37 % ang nag-iisip na posible ito.

Sinimulan ng Gallup Korea ang pagtatanong sa mga South Korean noong 1992, at lumabas na 69% ng mga tinanong ang naniniwalang magsisimula ang North ng digmaan, habang 24% hindi naniniwala.

Ipinakikita sa survey na inilabas nitong Biyernes na hindi na gaanong nababahala sa digmaan ang mga South Korean kumpara noong Hunyo 2007, siyam na buwan matapos isagawa ng North Korea ang una nitong nuclear test, noong Setyembre 2006.

“The survey results show South Koreans have likely grown accustomed to its repeated threats of provocation after over 60 years in a ceasefire state,” saad sa pahayag ng Gallup Korea.