Pope Francis, hinimok ang pagpapatawad sa Colombia

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

BOGOTA (AP) – Hinimok ni Pope Francis ang kabataang Colombian nitong Huwebes na manguna sa pagsusulong ng pagpapatawad matapos ang halos kalahating dekada ng giyera, at hiniling sa ruling class na tugunan ang malalim na hindi pagkakapantay-pantay na nagbunsod ng pinakamahaba at armadong rebelyon sa Latin America.

“There has been too much hatred and violence…leave behind what has hurt us and look to the future without the burden of hatred,’’ anang Francis sa mga tao sa presidential palace ng Bogota.

Umapela si Francis kay President Juan Manuel Santos at sa political, cultural at economic elite ng Colombia na iwasan ang tukso ng paghihiganti habang umaahon ang bansa mula sa digmaan. Sa halip, aniya, ay dapat nilang ipangako ang kanilang mga sarili para paghilumin ang mga sugat, patatagin ang mga relasyon at suportahan ang isa’t isa.

“Let us not forget that inequality is the root of social ills,’’ babala niya.