Nilayasan ng mag-ina, nagbigti

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Liezle Basa Iñigo

ALCALA, Pangasinan – Nagpakamatay ang isang lalaki matapos siyang iwan ng live-in partner, na binitbit pa ang kanilang anak, sa Barangay Kisikis sa Alcala, Pangasinan.

Kinilala ng Alcala Police ang nagpatiwakal na si Jaime Tabones, Jr., 40, residente sa nabanggit na lugar
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang magka-live-in na nauwi sa pag-alis ng ginang at ng anak nila.

Dakong 9:00 ng gabi nitong Huwebes nang natagpuan ng kamag-anak ang biktima na nakabigti sa loob ng bahay.