14 patay sa bagyong ‘Irma’

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

In this geocolor image GOES-16 satellite image taken Friday, Sep. 8, 2017, at 10:45 UTC, Hurricane Irma, center, approaches Cuba and Florida, with Hurricane Katia, left, in the Gulf of Mexico, and Hurricane Jose, right, in the Atlantic Ocean. Cuba evacuated tourists from beachside resorts and Floridians emptied stores of plywood and bottled water after Hurricane Irma left at least 20 people dead and thousands homeless on a devastated string of Caribbean islands and spun toward Florida for what could be a catastrophic blow this weekend.  (NOAA via AP)

PROVIDENCIALES, Turks and Caicos (Reuters) – Dinaanan ng mata ng Hurricane Irma ang Turks and Caicos Islands nitong Huwebes, hinampas ng malakas na hangin ang mga gusali matapos hagupitin ang ilang isla ng Caribbean bilang isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Atlantic sa loob ng isang siglo. May 14 katao na ang namatay sa mga lugar na dinaanan nito habang tinutumbok ang Florida.

Sa taglay na hanging290 kilometro kada oras, sinalanta ng bagyo na kasinlaki ng France ang maliliit na isla sa hilagang silangan ng Caribbean nitong mga nakaraang araw, kabilang ang Barbuda, Saint Martin at ang British at U.S. Virgin Islands, ibinuwal ang mga punongkahoy at pinatag ang kabahayan at mga ospital.

Huminan ang hangin nito sa 165 mph nitong Huwebes habang nagbubuhos ng ulan sa Dominican Republic at Haiti at nagdala ng mala-buhawing lakas ng hangin sa Turks and Caicos Islands. Nananatili itong mapanganib bilang Category 5 na bagyo, ang pinakamataas sa talaan ng National Hurricane Center (NHC).

Kahapon, nasa halos 85 km sa timog ng Great Inagua Island ang Irma at inaasahang maghahatid ng 20-talampakang storm surges sa Bahamas, bagyo kumilos patungong Cuba at hahagupitin ang katimugan ng Florida bilang Category 4 sa Linggo, at inaasahan ang mga storm surge at pagbaha sa susunod na 48 oras.