2 Mindoro inmates may HIV

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Ni: Mary Ann Santiago

Umaksiyon na ang Department of Health (DoH)-Mimaropa upang maagapan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa mga bilangguan sa rehiyon, na nagresulta sa pagkakadiskubre sa dalawang inmate na may HIV-AIDS.

Natuklasan sa mass screening ng kagawaran para sa mga bilanggo sa Oriental Mindoro at Romblon nitong Agosto 22 hanggang sa Huwebes, Agosto 31, na ang isa sa mga bilanggong HIV positive ay nasa Puerto Galera, habang ang isa ay nasa Calapan City.

Bukod sa HIV-AIDS, sinuri rin ang mga bilanggo sa tuberculosis at ang kanilang mental health.