Volcanoes, ‘di pumutok laban sa host

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Tinamaan ng lintik ang kampanya ng Philippines na maidepensa ang men’s rugby sevens title nang mabigo ang Volcanoes sa Malaysia, 24-14, nitong Sabado sa 29th Southeast Asian Games.

Dumating ang kabiguan matapos ang impresbong panalo laban sa Indonesia at Cambodia sa parehong 47-7 desisyon.

Sumabak ang Volcanoes galing sa impresibong panalo sa SEA 7s nitong Abril at Asia Trophy Series nitong Pebrero.

Nangunguna ang Malaysia na may 3-0 karta matapos ang unang panalo sa Cambodia 26-0 at Singapore 22-10.

Sa women’s play, naitala ng Philippines ang 31-0 panalo sa Laos ngunit nabigo sa Thailand, 32-0.