• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Achievements ni Vilma Santos, walang kapanabayang makakapantay

Balita Online by Balita Online
August 21, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Achievements ni Vilma Santos, walang kapanabayang makakapantay
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni JIMI ESCALA

KAPWA isinusulong upang maging National Artist sina Vilma Santos at Nora Aunor. Sila ang mahigpit na magkalaban hanggang sa pagiging National Artist.

Vilma copy copy

Pareho silang may karapatan para sa naturang karangalan dahil sa mga tambak-tambak nang achievement at kontribusyon nila sa lokal na aliwan.

Pero, in fairness, mas nakakaangat na ang Star for All Seasons. Sa totoo lang, walang kapanabayang aktres na makakalampas sa achievements ni Ate Vi.

Sabi nga sa amin ng isang beteranang manunulat na itinuturing ding haligi sa industriya, walang aktres na makaka-duplicate sa mga naabot ni Ate Vi at bukod pa ang mga nagawa rin niya bilang mayor, gobernador at ngayon nga ay bilang mambabatas.

“Nagkaroon man ng sigalot at problema si Ate Vi sa propesyon niya noon ay nalampasan na niyang lahat ‘yun at isa siya sa tinitingalang bituin ng industriya at iniidolo ng halos karamihan sa mga taga-showbiz,” sey ng kausap namin.

“Super deserving kasi si Ate Vi. Wala tayong nabalitaang nalulong siya sa droga, nagbabad sa casino, at sa totoo lang naman, sa naabot na kasikatan ngayon ni Ate Vi at maging sa personal niyang buhay, eh, mga biyaya ‘yun ng Itaas dahil isa siyang huwaran,” sey pa ng kausap namin.

Samantala, magkasabay na gagawaran ng 2017 PMPC Star Awards for Movies sina Ate Vi at Nora ng Ginintuang Bituin sa September 3 at silang dalawa pa rin ang mahigpit na magkakalaban sa best actress category.

Tags: nora aunorVilma Santos
Previous Post

Sunshine, ‘no time’ sa mga statement ni Cesar

Next Post

Jokes ni Vice Ganda, offensive pa rin

Next Post
Jokes ni Vice Ganda, offensive pa rin

Jokes ni Vice Ganda, offensive pa rin

Broom Broom Balita

  • LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA
  • ‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey
  • Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa THE World Rankings 2024
  • Andrew E., nawindang sa presyo ng pagkain sa SoKor; ₱125M confidential funds ng OVP, nadawit
  • Chito Miranda sa kaniyang pamilya: ‘They are the center of my universe’
LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

September 29, 2023
‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey

‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey

September 29, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa THE World Rankings 2024

September 29, 2023
Andrew E., nawindang sa presyo ng pagkain sa SoKor; ₱125M confidential funds ng OVP, nadawit

Andrew E., nawindang sa presyo ng pagkain sa SoKor; ₱125M confidential funds ng OVP, nadawit

September 29, 2023
Chito Miranda sa kaniyang pamilya: ‘They are the center of my universe’

Chito Miranda sa kaniyang pamilya: ‘They are the center of my universe’

September 29, 2023
Dirty finger ni Kathryn Bernardo, Dolly De Leon, usap-usapan

Dirty finger ni Kathryn Bernardo, Dolly De Leon, usap-usapan

September 29, 2023
Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

September 29, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.