Ryza Cenon, most hated kontrabida ngayon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ni Nitz Miralles

SI Ryza Cenon bilang si Georgia sa afternoon soap ng GMA-7 ang isa sa most hated kontrabida sa TV ngayon dahil sa pagganap na nang-agaw ng asawa, anak at pamilya sa Ika-6 Na Utos. Ang daming hate messages sa aktres at kung anu-ano na ang itinatawag sa kanya.

Ipinost ni Ryza ang isang hater na tinawag siyang pangit, retokada, feeling sexy, bangag, bobita at ang laki raw ng baba. In fairness kay Ryza, hindi siya retokada at walang ipinaayos sa mukha, maganda talaga siya kahit walang make-up.

Ryza Cenon

Ryza Cenon

The same hater at sobra sigurong apektado sa mga eksena sa Ika-6 Na Utos ang nag-comment din na, “Demonyita, ang sama ng ugali mo. Bruhang Ryza” at “hihiwalayan ka din niPocholo (Barretto) kc sama ng ugali mo.”

Ang da hayt ay ang sinabi ng hater na, “PI mo, Ryza napakasama mong tao pag nakita kita papatayin kita at bubuhusan ko ng asido yang mukha mo katulad ng ginawa mo kay Loleng kaya magtago ka na pag nakita talaga kita humanda ka sakin hayop kang gaga ka pokpok kang babae PI mo.”

O, di ba, galit na galit si Ateng na obvious na avid viewer ng Ika-6 Na Utos?

Ang Loleng na binanggit nito ay si Odette Khan na gumaganap bilang yaya sa soap at ilang beses nang pinagtangkaang patayin ni Georgia (Ryza).

Ang sagot lang ni Ryza sa mga galit sa kanya, “Si Georgia talaga, pati ako dinadamay” at “Oopppsss! Trabaho lang po. Walang personalan.’