Federer, tuloy ang Rogers Cup streak

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed
Roger Federer (Paul Chiasson/The Canadian Press via AP)

Roger Federer (Paul Chiasson/The Canadian Press via AP)

MONTREAL (AP) — Patuloy ang winning streak ni Roger Federer sa Rogers Cup sa loob ng limang taon matapos umusad sa Finals.

Ginapi ng second-seeded na si Federer si unseeded Robin Haase ng Netherlands, 6-3, 7-6 (5), nitong Sabado (Linggo sa Manila) para sa ikaanim na tournament finals ngayong taon.

Muntik nang hindi lumaro si Federer sa torneo na ipinapalagay na dagok sa organizers matapos ang injury sa star an sina world No. 1 Andy Murray, Novak Djokovic at Stan Wawrinka, ngunit nagdesisyon ang Swiss star sa huling pagkakataon matapos ang tagumpay sa Australian Open at Wimbledon.

“I’m very happy that I’ve made it here,” sambit ni Federer.

“It was a good decision for me. If I would have known I would have gone to the finals, I would have said ‘yes’ right away. Sometimes you’ve just got to wait and see how you feel. I’m most happy that I’m actually really healthy going into the finals. I haven’t wasted too much energy. I’ve been able to keep points short. I’ve been really clean at net. I think my concentration and just my playing has gone up a notch. I’m just playing better.”

Target ni Federer ang ikatlong Rogers Cup title at unang kampeonato sa Montreal. Nakamit niya ang titulo noong 2004 at 2006 sa Toronto.

Makakaharap niya sa championhip match ang magwawagi sa semifinal duel nina 18-year-old Denis Shapovalov ng Richmond Hill, Ont., at 20-anyos na si Alexander Zverev ng Germany.

“I think those young players don’t quite know what to expect, and (neither) do I, because nobody quite knows,” sambit ni Federer. “Even though, Zverev is a more experienced player than Shapovalov at this stage.