Umiwas sa road repair

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

NI: Mina Navarro

Siyam na pangunahing kalsada sa Quezon City, Pasig at Caloocan ang patuloy na kinukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa ulat ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro, nagsasagawa ng road reblocking at repair sa ikalawang lane sa southbound ng A. Bonifacio Avenue, 2nd lane ng southbound sa EDSA malapit sa Trinoma, 2nd lane ng northbound ng Quirino Highway, 2nd lane ng Mindanao Avenue, 3rd lane ng northbound ng Congressional Ave. at unang daan sa westbound ng Luzon Avenue sa Quezon City.

Sa Pasig, aayusin ang kalsada sa southbound ng C-5 malapit sa Julia Vargas, at northbound ng Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas; samantalang kinukumpuni rin ang northbound ng McArthur Highway malapit sa Monumento Circle sa Caloocan.

Muling bubuksan ang mga kalsada bukas, bandang 5:00 ng umaga.