Sikat na aktres, bawal titigan ng kaeksena sa mata

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

NAGULAT kami sa ikinuwento sa amin tungkol sa sikat na aktres na hindi pala puwedeng titigan sa mata ng kaeksena dahil nawawala raw sa konsentrasyon at nakakalimutan ang linya.

Talagang napa-ha?! kami. Ibig bang sabihin, kahit ilang taon nang gumagawa ng serye at pelikula ay never naka eye-to-eye contact ang sikat na aktres ng co-stars niya?

“Medyo nawawala kasi sa focus si _____ (sikat na aktres) kapag intense na ‘yung eksena, so ‘yun ang sinasabi niya sa direktor. So para hindi siya magkamali, ‘wag na lang siyang tingnan sa mata,” detalyadong kuwento ng source namin.

Paano ginagawa ang harapang pag-uusap ng sikat na aktres at ng co-actors niya?

“’Yung kausap niya, sa ilong nakatingin o kaya sa part ng mukha except sa eyes,” sagot sa amin.

In fairness, hindi halata, ha? Kaya simula ngayon, kapag may napanood kaming serye o pelikula ng sikat na aktres ay oobserbahan namin ang kaeksena niya kung saan nakatingin.

“Hindi naman mahahalata kasi kapag magkaharap, hindi mo naman alam na hindi nakatingin sa mata ni _____ (sikat na aktres) ang kaeksena niya. ‘Tapos ‘pag close-up din, hindi rin halata. Ang nakakaalam lang talaga ‘yung sa production at talent manager niya,” paliwanag ulit sa amin.

Kaya pala minsan ‘yung sikat na aktor na nakaeksena ng sikat na aktres napuna namin na sa bandang ibaba ng mukha ng kaeksena nakatingin. Sakto naman kasi kunwari malungkot ang pinag-uusapan.