Rey, ibinuking na ‘di pa tapos ang pilot week ng ‘Alyas Robin Hood 2’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NI: Nitz Miralles

EXPECTED na ni Rey Abellana na may Book 2 ang Alyas Robin Hood dahil bitin ang ending ng Book 1. Kinidnap si Judy (Jaclyn Jose) at hinabol ni Pepe (Dingdong Dantes) ang mga kidnapper sakay ng kanyang motorsiklo. Doon nag-freeze ang eksena at saka lumabas ang credits.

Rey PJ Abellana (2) copy copy

“Hindi na ako nagulat nang malamang may Book 2 ang Alyas Robin Hood, basing from the ending of Book 1. Bakit mo nga naman tatapusin ang show na hindi malinaw ang ending? Hindi lang ako ang nag-expect ng Book 2, ganu’n din ang paniwala ng ibang cast,” pahayag ni Rey.

Excited si Rey sa karakter niyang si Leandro na nag-level up. May action scenes na rin siya, hindi na siya kontra kay Pepe para sa anak na si Venus (Andrea Torres).

“Bumait si Leandro kay Pepe dito sa Alyas Robin Hood 2. Kakampi na niya ako at marami akong eksena na kasama sina Dingdong at Andrea. Grabe ang pilot week, panoorin ninyo kami simula August 14,“ paanyaya ng aktor.

Kay Rey namin nalaman na sa apat na linggo na nilang taping, hindi pa rin tapos ang pilot week dahil bukod sa malaking eksena, gusto rin ni Direk Dominic Zapata na mas pagandahin ang mga eksena. Hostage taking at may mga terorista sa city hall ang eksena, katakut-takot na labanan ang mangyayari at mapapasubo si Pepe.

Kumusta ang muling pakikipagtrabaho kay Dingdong?

“Ganu’n pa rin siya. Dedicated at seryoso sa trabaho to the point na hindi niya sinusunod ang cut off niya para lang matapos ang eksena. Hindi niya nagagamit ang cut off niya para lang tuluy-tuloy ang trabaho. Two days ago, more than 24 hours ang trabaho nila at mapapanood ninyo ang hard work at dedication ni Dingdong sa trabaho,” sagot ni Rey.

Nag-a-advance taping si Dingdong dahil bago matapos ang buwan, lilipad sila nina Marian Rivera at Zia papuntang Paris para dumalo sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Bukod sa invited sila, isa si Zia sa flower girls sa wedding at sasamahan siya ng kanyang mga magulang.