NBA draftee ang bagong import ng TNT?

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

NAGDESISYON ang Talk ‘N Text Katropa na kumuha ng posibleng ipalit sa kasalukuyang import na si Michael Craig.

Dumating sa bansa nitong Miyerkules si Glen Rice Jr., na posible nilang isalang kapalit ni Craig sa ginaganap na PBA Governors Cup.

Ang 26-anyos na shooter ay anak ng kapangalan ng dating NBA great na si Glen Rice.

Kinuha siyang second round pick ng Philadelphia 76ers noong 2013 NBA draft.

Maayos naman ang ipinapakita ni Craig bilang Katropa reinforcement sa season-ending meet nang pamunuan nito ang koponan sa kanilang 2-1 start.

Ngunit, dahil isa sa pinakamaliit sa batch ngayon ng import hindi kumbinsido ang management na makakaabot sila ng playoffs sa pamamagitan ni Craig.

Ayaw namang magsalita ni Katropa coach Nash Racela, gayundin si team manager Virgil Villavivencio.