Denise, publicist ng sariling show

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

NAKAKATUWA si Denise Laurel dahil hindi na niya kailangan ng publicist, siya mismo ang gumagawa ng promo ng projects niya sa lahat ng social media accounts niya.

Lalo na kapag oras na ng seryeng The Better Half kasama sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino at JC de Vera, panay ang tweet ni Denise na panoorin ang programa dahil malalaman na raw kung ano ang mga ginawa ni Bianca (karakter niya).

DENISE_1 copy

At pagkatapos, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tumutok sa serye.

Kaabang-abang naman talaga kasi ang TBH lalo na ngayong nalalaman na ang katotohanan sa kasamaan ni Bianca dahil nadiskubre na ni Marco (Carlo) ang kaugnayan nito sa pagkamatay ng anak nilang si Julia Bianca.

Madamdamin ang mga naging tagpo nang ipagtapat ni Bianca ang kasamaan niyang ginawa kay Sheryl (Regine Angeles) na naging dahilan para tangayin ng asawa nitong si Jonas (Gerald Madrid) si Julia Bianca at humantong sa kamatayan nito.

Kaya galit na galit si Marco at sisiguraduhing pagbabayaran ng dating asawa ang lahat ng kasalanan nito.

Makikipagtulungan naman siya kina Rafael (JC) at Camille (Shaina) upang maisakaturapan ang kanyang mga planong pagbayarin si Bianca (Denise).

Makakatulong din nila si Clarita (Maila Gumila), ang madrasta ni Bianca (Denise) upang matapos na ang lahat ng kasamaan nito at maipaghiganti ang pagkamatay ng asawa at kapatid.

Pero sa kabila ng pagtutulong-tulong ng lahat, hindi padadaig si Bianca (Denise) dahil marami pa siyang mga planong siguradong ikagugulat ng lahat at maglalagay sa kanila sa panganib.

Napapanood ang The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.