Jeep binangga ng truck: 1 patay, 20 sugatan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Fer Taboy

Nasawi ang isang pasahero habang 20 iba pa ang nasugatan, matapos na salpukin ng isang dump truck ang isang pampasaherong jeepney sa Barangay Luacan, Dinalupihan, Bataan, kahapon.

Sa ulat ng Dinalupihan Municipal Police, nangyari ang aksidente kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasalpok ng dump truck ang jeepney na puno ng pasahero.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang may pagkakamali sa aksidente.