Budget ng 3 ahensiya tatapyasan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bert de Guzman

Sinabi kahapon ni House Appropriations Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na natukoy na ng kanyang komite ang tatlong ahensiya ng gobyerno na kakaltasan ng budget upang mailaan sa libreng matrikula sa state universities and colleges (SUCs).

Kakaltasan ng budget ang Department of Information and Communications (DICT), Department of Agrarian Reform (DAR), at Department of Transportation (DOTr), dahil na rin sa “low absorptive capacity and sluggish implementation of projects and programs”.