Bata napatay ng amain

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Lyka Manalo

MALVAR, Batangas – Namatay ang isang dalawang taong gulang na babae nang mawalan ng malay matapos umanong sampalin at itapon ng kanyang amain sa Malvar, Batangas.

Ayon sa naantalang report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktimang si Princess Amira Gomez, na dead on arrival sa Metro Lipa Hospital.

Nag-report umano ang ina ng bata sa pulisya nitong Martes at sinabing ang live-in partner niyang si Christopher Villanueva, 24, ang suspek sa pagkamatay ng kanyang anak.

Pinaghahanap na ng pulisya si Villanueva.

Nabatid sa report na dakong 7:20 ng gabi nitong Lunes nang nakita umano ng isang kapitbahay nang sampalin ng suspek ang bata at itinapon habang umiiyak, nang bigla itong mawalan ng malay sa inuupahang boarding house sa Barangay Santiago.