USAID aagapay sa kababaihan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni: Bella Gamotea

Ginagarantiya ng U.S. Agency for International Development (USAID) ang apat na taon para sa $8 milyon Women’s Livelihood Bond na magbibigay ng access sa credit, market linkages, at abot-kayang produkto at serbisyo para sa tinatayang 385,000 kababaihan sa Southeast Asia, inulat ng US Embassy kahapon.

“USAID is pleased to support the Women’s Livelihood Bond with this loan guarantee,” sabi ni Todd Sorenson, Deputy Mission Director ng USAID’s Regional Development Mission for Asia in Bangkok. “The bond will benefit women living in Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) states, particularly Cambodia, Vietnam and the Philippines.”