Tumangay ng kalabaw, tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Malaking problema ang kinahaharap ngayon ng isang 33-anyos na driver makaraang mabawi sa kanya ang isang kalabaw na umano’y tinangay niya mula sa slaughter house ng Sitio Paroba II, Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Miyerkules ng gabi.

Naaresto ni SPO1 Eduardo Hipolito si Jessie Jornales, ng Villa Aguila Subdivision, Bgy. Maliwalo, at nabawi umano rito ang kalabaw ni Pablito Bayabas, ng Bgy. Armenia, na nagkakahalaga ng P60,000.

Giit naman ni Jornales, binili niya ang kalabaw sa isang Bembol Ledesma, nasa hustong gulang, ng Bgy. Maliwalo, Tarlac City.