Nurse patay sa sunog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni: Fer Taboy

Patay ang isang nurse matapos ma-trap sa nasusunog nitong apartment sa Barangay 8-A, Davao City, kahapon ng umaga.

Ayon sa Davao City-Bureau of Fire Protection (DC-BFP), dakong 3:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog na ikinasawi ni Olden Gaita, 33, division head nurse ng Davao Doctor’s Hospital.

Sinasabing nasa third floor ng apartment ang tinutuluyan ni Gaita at mahimbing itong natutulog nang mangyari ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Sa silid ng anak ng may-ari ng apartment na si Ruben Maseren nagsimula ang sunog, makaraang sumabog ang electric fan na nakasaksak sa outlet na sinasaksakan din ng isang cell phone.